Matagal ko na itong naging plano. Wala akong pinagkopyahan at ako lawak lamang ng imahinasyon ang puhunan.
Dahil nga sa plano lang to at alam kong magiging magastos e sige ikekwento ko na lang. :) (kasi malapot na matupad.)
Ang Eksensa:
Dapat gabi na, presko ang panahon. May kalatas/liham akong ibibigay sa kanya sa umaga at sasabihin na pumunta siya sa isang lugar ng ganitong oras. Malamang ganito ang nilalaman nun.
Everyone's waiting for your decision.
18:00
Where? You'll figure it out.
Oo, ganyan na lang. Ayoko mag-isip. Simple na lang. Masyadong magegets agad kapag naglagay ako ng detalye.
May kaibigang susundo sa kanya at pagbibihisin siya.. Yung matino naman. Basta dapat medyo formalan.
Pagdating sa park(malamang parke) ay yayakapin siya ng kaibigan. Pagtapos iinstruct na lang siya na maglakad, syempre red carpet. Ang aligid ay park lamang talaga ang set up. Sa kanyang gilid, habang naglalakad siya ay may weird na harang na lang siguro.
Tapos may hahawiin siyang mga halaman para makapunta sa spot na pagdadalhan ko.
Paghawin niya ng mga halaman, may makikita siyang la mesa. Set up na pang date. Kandila, wine, kutsara, tinidor, basta pang sosyal na date at hindi pang fast food.
Maglalakad siya papalapit dun at may makikita siyang dalawang tao.
Una, isang nagbaviolin ng kantang Can't Help Falling in Love ni Elvis Presley at pangalawa, ang ama nia na nakaupo sa may la mesa. Nangingilid ang luha.
Dun ay papaupuin siya ng kanyang ama at mag-uusap sila na pinapayagan na niya ang kanyang anak.
Iiyak ang ama.
iiyak din ang mapapangasawa ko.
Dun na ako papasok na may dalang isang bouquet.
Madramang entrance.
Naka coat and tie ako na fit. Black shoes.
Mabango ako at Lacoste ang pabango ko.
Maganda ang pagkaka wax ng buhok.
Gwapo.
Matahimik at magugulantang ang mapapngasawa ko. tutugtog na si magbaviolin ng Marry Me ng Train.
Kikiligin ang babae.
Ipapasa na ng tatay niya ang kamay sa akin ng mga babae at kukunin ang singsing sa bulsa niya(ama) at ibibigay sa akin.
Iaabot ko na ang bulaklak.
Bubuksan ang lalagyanan ng singsing at luluhod.
Babanat ako ng litanya ko.
Chenes, chenes, hindi ko kaya mabuhay ng wala ka. Ikaw lang ang gusto ko makasama Chenes, (Depende to sa mararamdaman ko sa gabing iyon. Ayaw ko ng scripted, gusto ko lahat magmumula sa puso)
at syempre oo ang sagot ng babae, sure na yan. Kasi kakuntsaba ang tatay. May nakahandang mga sniper naman sa kung saan. sa mahal ng ginastos ko ay leche, hindi pwedeng hindi ako ikakasal pagtapos ng isang buwan nun. ayun nga, oo sagot nun.
At BOOM! maliwanag ang gabi dahil sa fireworks display na inihanda ko.
habang nakatitig siya sa langit ay yakap yakap ko siya ng may luha ang aking mga mata.
Pagtapos na nito ay magiging maliwanag na ang paligid at dun niya makikita ang kanyang mga kaibigan, mga kaibigan ko, ang kanyang inay, pamilya ko at ang mga taong importante pa sa amin.
Ikocongratulate siya ng lahat.
Ganyan lang :) simple kaso magastos kaya alam ko na malapot na matupad.